The Financial Markets Authority (FMA) – Te Mana Tātai Hokohoko – has cancelled Integrity Advisers Insurance Limited’s (Integrity) Financial Advice Provider (FAP) licence for engaging in serious misconduct.
Following an investigation, the FMA found that Integrity breached its market services licensee obligations by failing to:
- give priority to client’s interests
- comply with the Code of Professional Conduct for Financial Advice Services
- treat customers fairly
- act with integrity.
The breaches relate to Integrity’s treatment of clients who wanted to cancel their respective insurance policy between September 2022 and June 2023.
Integrity is a Christchurch-based financial service provider that held a full FAP licence, providing financial advice to approximately 500 retail customers, many of whom are from the Filipino community. Integrity’s sole director and shareholder is Mr Yuriy Bazhak who was a financial adviser at Integrity.
For this reason, the FMA has translated the English version of its media release into Tagalog below.
Abiso sa publiko: Kinakansela ng FMA ang lisensya ng Financial Advice Provider (Provider ng Payo sa Pananalapi) ng Integrity Advisers Insurance Limited
Kinansela ng Financial Markets Authority (FMA) ang lisensya ng Financial Advice Provider (Provider ng Payo sa Pananalapi) ng Integrity Advisers Insurance Limited dahil sa pagkakasangkot sa malubhang maling pamamahala.
Ang Integrity ay isang provider ng serbisyo sa pananalapi na nakabase sa Christchurch at mayroong buong lisensya mula sa FAP. Nagbibigay ito ng payo sa pananalapi sa humigit-kumulang 500 retail customer, at mula sa komunidad ng Filipino ang karamihan sa kanila. Si G. Yuriy Bazhak ang nag-iisang direktor at shareholder ng Integrity at isa rin siyang dating tagapayo sa pananalapi sa Integrity.
Napag-alaman ng FMA na nilabag ng Integrity ang mga obligasyon nito dahil sa pagkabigong:
- unahin ang kapakanan ng kliyente
- sumunod sa Code of Professional Conduct for Financial Advice Services (Mga Alituntunin ng Propesyonal na Pag-uugali para sa mga Serbisyong Pagpapayo sa Pananalapi)
- tratuhin nang patas ang mga customer
- kumilos nang may integridad.
Nauugnay ang mga paglabag sa pagtrato ng Integrity sa mga kliyenteng gustong kanselahin ang kani-kanilang polisa sa seguro sa pagitan ng Setyembre 2022 at Hunyo 2023 (mga apektadong kliyente). Hindi makatarungan na pinilit ng Integrity ang mga apektadong kliyente na panatilihin ang kani-kanilang polisa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng invoice kung saan binibigyan lamang sila ng pitong araw para muling maibalik ang kanilang polisa sa seguro o magbayad.
Sinabi ng Integrity sa ilang apektadong kliyente na isusumbong sila sa Immigration New Zealand kung hindi sila magbabayad, at sinabi rin ng Integrity na maaaring magresulta sa pagkakansela ng visa o pagpapadeport ng apektadong kliyente. Hindi nagsumbong ang Integrity sa Immigration New Zealand pero masyadong nilinlang ang isang apektadong kliyente nang sabihin nito sa kliyente na nakapagsumbong na ito.
Itinanggi ng Integrity ang malaking pagkakamali. Sinabi nito na hindi sinasadya o hindi mahalaga ang mga pagkakamali sa pagbibigay ng invoice, at itinanggi nito ang panlilinlang sa mga kliyente o sa FMA.
Saan makakahingi ng tulong ang mga kliyente
Maaaring magreklamo ang mga kliyente ng Integrity sa serbisyo ng Ombudsman sa Pananalapi ng Financial Services Complaints Limited, na isang serbisyo sa paglutas ng mga pagtatalo na libreng magagamit ng mga konsyumer. Para sa mga kliyenteng naniniwala na naapektuhan sila at may mga alalahanin, inirerekomenda naming makipag-ugnayan sila sa:
- Financial Services Complaints Limited, fscl.org.nz, o
- sa kanilang insurer o bagong tagapayo para pag-usapan kung magrereklamo sa Financial Services Complaints Limited.
Read the English version here: FMA cancels Integrity Advisers Insurance Limited’s Financial Advice Provider licence